Item #: SCP-0530
Object Class: Euclid
Special Containment Procedures: Bibigyan si SCP-0530-1 nang isang
(1) kuwarto na may sukat na 7m x 7m x 7m, sa loob ng Site 45. Ang kwarto ay dapat may kama, upuan,
paliguan, etc. na karaniwang inihahanda para sa mga Euclid-level humanoid SCPs.
Babantayan lagi ang kuwarto ni SCP-0530-1 nang dalawang (2) guwardiya. Ang
pagkain ni SCP-0530-1 ay ihahatid na lang sa kanya at ibibigay gamit ang butas
sa pintuan. Kapag papasok sa loob ng kuwarto ni SCP-0530-1, dapat magsuot ng
earplugs para hindi maapektuhan ng “radius of effect” ni SCP-0530-1. Kailangan
ng Level 2 Security Clearance upang payagan makapasok sa kuwarto ni SCP-0530-1,
at ng Level 1 Security Clearance upang pwede pumasok sa observation room. Bawal
ilayo o kuhanin nang pilit kay SCP-0530-1 ang SCP-0530-2, kahit ano ang
mangyari. Kapag lumayo si SCP-0530-1 sa SCP-0530-2, tawagin kaagad ang mga
security guard upang pagsabihan siya. Lahat ng mga mananaliksik na magsusuri sa
SCP-0530 ay kailangang bihasa sa wikang Filipino.
Litrato ni SCP-0530-1, sa loob ng Site 45, noong ██/██/20██. |
Description: Si SCP-0530-1 ay isang taong babae, may
ngalang ██████ ██ ██ ██████ na dating estudyante ng ██████ ██ ██████
University. Ang pinakapansin-pansin sa kanya ay kamukha niya ang artista na si ██████ ██████ ██████ ███ █████ o
Paraluman, na popular sa bansang █████████. Sinasabi ni SCP-0530-1 na hindi
ganito daw ang totoo niyang itsura, pero hindi pa ito napapatunayan ng mga mananaliksik.
Isa sa mga kapansing-pansing kakaibang nagagawa ni
SCP-0530 ay ang awtomatik na pagsasalin ng lahat ng dokumento tungkol kay
SCP-0530-1 o sa SCP-0530-2 sa wikang Filipino. Ang mga dokumentong isinulat ay
isinasalin sa wikang Filipino at sa estilo ng pagsulat ng nagsulat ng
dokumento. Naapektuhan rin ang mga digital na dokumento tungkol kay SCP-0530-1
kahit encrypted as password-protected ang mga files na ito. Walang anumang
counter-memetic or anti-cognitohazard filter ang nakapipigil sa awtomatik na
pagsasalin ng mga dokumentong ito. Isinasalin rin ang dokumento kahit hindi
banggitin ang totoong pangalang nilang dalawa ng direkto: isinalin din nito ang
mga dokumento na tumuring sa kanila gamit ang kanilang SCP designation.
[MAAARING TIGNAN ANG MGA DATING DOKUMENTO NG SCP-0530 BILANG HALIMBAWA;
KINAKAILANGAN NITO ANG LEVEL 3 SECURITY CLEARANCE]
Lahat rin nang visual media na kung saan kinuhanan si
SCP-0530-1 ay naapektuhan. Ang mga litrato ni SCP-0530-1 ngayon, kapag kinuha,
ay nagmumukhang luma o kaya monochromatic, kahit ang ginamit na pangkuha ng
litrato ay bagong-bago na camera. Kapag ipiprint ang mga litratong ito,
nagluluma kaagad ang itsura ng mga litrato sa tatlumpung (30) segundo. Ang mga
video at live camera feeds na kasama si SCP-0530-1 ay nagiging monochromatic
rin ang itsura, at nagkakaroon ng static, kahit panoorin man ito sa mga bagong
telebisyon. [MAAARING TIGNAN ANG MGA LITRATO AT ANG MGA NAKATABING SURVEILLANCE
VIDEOS NI SCP-0530-1 BILANG HALIMBAWA; KINAKAILANGAN NITO ANG LEVEL 4 SECURITY
CLEARANCE]
Mayroon
ding iregular na nangyayari sa tatlong (3) metro na radius ni SCP-0530-1. Kapag
pumasok ang sinumang tao sa radius na ito, makariring sila ng kantang “Ang
Huling El Bimbo” ng bandang ███████████, sa lakas na 40dB. Naririnig lamang ito sa loob ng tatlong (3) metro
na radius ni SCP-0530-1, at hindi ito maririnig sa labas ng radius na ito.
Lahat ng makaririnig ng kantang ito sa radius ni SCP-0530-1 ay mapipilitang sumayaw
nang isang lumang sayaw, maliban kay SCP-0530-1. Ang mga kapansin-pansin na
sayaw na halos laging nangyayari ay ang boogie at cha-cha. Hindi ito
nakokontrol ni SCP-0530-1, at sinabi niya sa mga mananaliksik na hindi niya ito
kinagugustuhan. Ang pagsuot ng earplugs ay nakapipigil na sa epektong ito.
Ang
SCP-0530-2 naman ay isang naka-stapler na babasahin sa karaniwang A4 bond
paper, ayon sa mga chemical tests. Naglalaman ito ng printed PDF version ng
“The El Bimbo Variations” ni ████ █████. Ang pinagkaiba nito sa iba pang mga kopya ng akdang ito ay ang
pagpalit ng lahat ng litrato sa “Introduction”, “Comic Strip” at “Artist’s Rendition”
na parte ng akda sa mga hindi-karaniwang mga simbolo. Ayon sa mga eksperimento,
walang mangyayari hanggang hindi nakikita lahat ng mga simbolong ito. Kapag
nakita na lahat ay biglang isisigaw ng nakakita ang unang dalawang linya ng
“Ang Huling El Bimbo” bago malagay sa malalim na tulog at bumagsak. Kapag hindi
nailayo kaagad ang apektadong tao nang isang (1) metro mula sa SCP-0530-2 sa
ilalim ng tatlong-daan at tatlumpung (330) segundo, mamatay ang tao. Ang
pagkamatay nila ay laging dahil sa extreme blunt force trauma, kahit nasa loob
sila ng nakasarado at maliit na kuwarto. Laging may lilitaw na tire tracks na
may layong isang (1) metro mula sa bangkay ng tao. Ang tire tracks ay hindi
pareho sa kahit anong gulong na mayroon na ngayon.
Ang mga
mailalayo kaagad ay biglang magigising, na may 80% na magigising nang takot.
Ang mga ito ay laging may parehong karanasan habang nasa malalim na tulong:
lagi silang magkakaroon ng panaginip na sila ay nasa Ermita, ██████, ███████████, ayon
sa mga landmarks at street signs na makikita sa panaginip. Lagi itong nasa
gabi, at laging walang mga tao, hayop, o sasakyan, maliban sa isang trak na
walang tatak (na tatawaging SCP-0530-3). Lagi itong nakailaw, at laging pintado
ang mga bintana nang itim. Sa lahat nang mga nabuhay, lagi silang hahabulin ng
trak hanggang sa biglang manigas ang paa nila. Magigising sila bago sila
masagasaan ng trak. Hula ng mga mananaliksik na ang mga namatay ay tuluyang
nasagasaan ng trak na ito sa panaginip, at lumilitaw ang epekto ng pangyayari
nito hanggang sa totoong buhay. Walang alam si SCP-0530-1 ukol sa trak na ito,
pero hindi pa ito napapatunayan ng mga mananaliksik.
Addendum:
Kapag inilayo ang SCP-0530-2 mula kay SCP-0530-1 ng
may tatlong (3) metro, makaririnig ang lahat ng tao sa loob ng tatlong (10)
mentong radius mula kay SCP-0530-1 ng kantang “Ang Huling El Bimbo” na
magsisimula sa lakas na 80dB at lalakas na 10dB kada labinlimang (15) segundo
na magkalayo ang dalawa. Dahil nakasasakit na sa tenga ang lakas na 90dB at
nakasisira na sa pandinig ang lakas na 125dB, kailangang mailapit kaagad sa
SCP-0530-1 ang SCP-0530-2. Hindi naapektuhan si SCP-0530-1 sa pangyayaring ito.
Litrato mula sa https://moongirl.files.wordpress.com/2009/04/paraluman.jpg, na inedit
Ang variation na ito ay kumukuha ng inspiration mula sa SCP Foundation: http://www.scp-wiki.net/
SCP Logo mula sa http://logonoid.com/images/scp-logo.png
Litrato mula sa https://moongirl.files.wordpress.com/2009/04/paraluman.jpg, na inedit
Ang variation na ito ay kumukuha ng inspiration mula sa SCP Foundation: http://www.scp-wiki.net/
SCP Logo mula sa http://logonoid.com/images/scp-logo.png
No comments:
Post a Comment